19 June 2011

So Much of M


May isang kapihan sa kahabaan E.Rod. Madalas na tambayan ito ng mga masisipag at palaaral. E.Rod din ang madalas namin tambayan ni M dati nung kami pa. Sa isang 24/7 fastfood pa nga kami naglalagi pag magkasama kami hanggang mga alas dos ng umaga. Kaya nung mula ng magbreak kami, umiiwas ako sa lugar na yun, teritoryo nya ang E.Rod para sa akin.

Pero nitong nakaraang Lunes, dun kami sa kapihan ng ilan kong college friends (sila yung college friends na diretso kong sinabihan about sa akin and M bago ko pa man isama sa college reunion dinner si M bilang aking date). Okay lang kako dahil sabi ko naman nakamove-on na ko for sure. Wala na ko pinanghahawakang pait sa nakaraan, at naliwanagan na ko na kung anuman ang masaya para sa akin noon, ang siyang panghahawakan kong katotohanan ngayon. Wala na kong paki kung para kay M ay balewala na lahat yun.

Nagtagal kami sa coffee shop na ito hanggang sa saluhan kami ng isa pa naming kaibigan -  si Piolo. Si Piolo ay kaibigan namin mula kolehiyo na siya namang kasalukuyang kaklase at kabanda ni M (kumakanta siya, at dating miyembro ng isang sikat na university chorale group). Pagkarating ni Piolo, syempre kamustahan kami dahil mga ilang buwan na rin kaming di nagkikita.
friend1 & 2: Kumusta ka na Piolo?
P: Ayos naman. Kaw Friend1, kumusta na kayo ni gf mo?
F1: Okay naman kami...working na sya!
P: E kaw Friend2, may boylet na ba?
F2: Ha? ako? Wala pa no! Mahirap na sa panahon ngayon...
VS at F1: E kumusta na nga pala si gf mo?
P: ah, ayun nasa Korea, training para sa work for two years.
VS: Kayo pa ba??
P: Oo naman... *blahblah*
(suddenly interrupts P from kwento)
F1: E kumusta na si M?
May mga ngiting mapanukso tong kaibigan kong ito, na para bang inosenteng nangangamusta lang. Pero ang mga mata nya'y mapagbirong sumusulyap sa akin, na siya ring ginawa ni P. At yun na nga ang pambungad sa pangungumusta [kuno] namin kay M.

Sa totoo lang, wala akong balak pang malaman kung ano na meron sa buhay niya ngayon. Wala akong balak magtanong tungkol sa kanya, pero sadyang mapanukso yung isang kaibigan namin na siya na mismo nagtatatanong tungkol kay M na bukal namang sinasagot ni P. Ayos lang naman sa akin, wala rin naman kaso kung sadyang kumustahin ng iba si M sa harap ko - kahit papaano nakikinabang din naman ako. haha!

At sa huli, napag-alaman ko na may hindi pinagdaan si M  pagkatapos ng aming breakup. Well, wala naman akong kinalaman dun base sa kwento ni P, at ang alam ko rin ay wala talaga ko kinalaman dun (mariing iginiit na sa akin ni M na wala na siyang kinalaman sa akin mula nung huling beses kaming harapang nagkausap mga ilang buwan pagkalipas ng aming hiwalayan). At sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi nga siya yung tipong magiging affected lalo na siya ang nakipaghiwalay.
Ngayong nalaman ko ang ilang bagay na pinagdaanan nya, di ko naman mapigilang maisip, "Kumusta na ba talaga siya?". Sumagi sa aking kalooban na kumustahin siya, pero napaisip kung nasa lugar ba akong mangamusta sa kanya, at kung akma lang ba ito sa sitwasyon namin. Sa loob ko, gusto ko lang kumustahin kung maayos na ba lagay nya ngayong nasa isang sitwasyon siya, isang sitwasyong alam ko ang halaga para sa kanya.
Nawala ako sa aking pagninilay ng biglang kabigin ni P ang aking siko
P: Okay ka lang Vic? Kumusta ka na nga ba?
VS: Ako?
P: Oo... ayos ka na ba mula kay M?
(Natawa naman ako.)
VS: Oo naman. Naka-move on na ko...recently nga lang. haha! Tagal eh no.
P: Ah buti naman...pero ano na si M sa yo?
VS: Hmm... mahal... 
(Naghiyawan ang mga loko. Kinilig naman ako.)
VS: Oo, aminado na kong mahal ko siya. At oo, hangang ngayon. 
(Nahinto sa sariling sainabi.)
VS: Oooh, actually ngayon ko lang narealize. HAHA! Mahal ko pala siya, di ko lang nasabi pa. Mahal na kung mahal, hindi naman nawawala yun. Pero kung tatanungin nyo ko, oo gusto ko siya kamustahin ngayon - out of concern. Kahit naman kasi mahal ko siya, ayaw ko nang magkabalikan pa. hanggang dun na lang yun.
Chorus: Asuuuuus...
At nalundag na ang usapan sa ibang paksa, ganun lang kadali. Moved-on na talaga.

1 comment:

RoNRoNTuRoN said...

awwww... Minsan ko ding naging teritory ang St. Lukes nung nagttrabaho pako sa pinaka mahal na ospital sa Pinas. at andaming good and bad memories ng Erod for me. :D at yang kapehan na yan. awwwwwwww. :( pero gaya mo, I've moved on na! :D