31 May 2011

Point of No Return

And it's not about orgasms. This entry was intended to be a reply comment to Ron's post. Eh, just a few days ago I've been mulling the same sentiments in my head as I lie still in bed... bored out of my wits. So here goes:
Yung konsepto ng "Break kung break", lately ko lang naintindihan ng lubos. Dati kasi nabanggit sa kin yun ni M na hindi siya yung tipong nakikipagbalikan sa taong nakipagbreak kahit na matindi pa rin yung feelings nila para sa isa't isa. Once pinakawalan daw siya, there's no going back. Kaya nung ako hiniwalayan nya, alam kong di na kami pwedeng magkabalikan pa.
Pero aminin ko na minsan, naiisip ko "what if magkabalikan pa kami?" or napapaisip ako ng mga eksena na tinatangka namin magkabalikan pa.
Naalala ko lang... ako nga pala ung nasaktan nung nagkahiwalay kami...so bakit ako tong nag-iimagine na magkakabalikan kami? AKO dapat ang nagsasabing "Break kung break". There's no point in going back, it makes no sense. BAkit ka nga ba babalik sa taong nanakit sayo diba? Kahit na sabihin pang mahal mo siya, dapat mas mahalin mo sarili mo. 
Eto, hindi ko ipagkakailang may pinaghuhugutan. Maitatanggi ko pa ba sa haba ng comment na ito? hehe. So once again, I've decided to make this as an entry sa blog. haha!
Move on na dapat sa kada kapalpakan. Wala ka namang masosolusyunan pa kung lingon ka nang lingon sa nakaraan. Forward is all there is to it.
Oh and wag makipagbalikan sa ex. Bigla ko lang natandaan ngayon, isa yun sa top advices ko nung nasa hayskul pa lang ako. Yun ang isa sa lagi kong payo sa mga kaibigan ko noon, na kapag iniwan ka wag mong habulin. The fact na nagawa ka nilang iwan just means that those people are not good enough for you.

5 comments:

sunny said...

hahaha ako meron wishful thinking ng mga exsena ng reunited,hahaha. Pero break kung break, strongly agree. Sabi ko sa sarili ko, just keep on moving forward at me kakasalubong kang para sayo,hehehe!

RoNRoNTuRoN said...

There you have it! Exactly the thoughts I have. well explained Viktor!!!! galing galing.

every bit of word in this entry is sooo true. I share the same agony. Tagay lang! masyado maiksi ang buhay para lumingon pa sa nakaraan! at umasang bumalik sa nakaraan! Thanks Viktor for the link! :D

Victor Saudad said...

@Kuyakoy, ako rin meron pa ring wishful thinking, but not about getting back together. Wishful thinking on "what if we we didn't break it off and we were still together?".
onti na lang and I'll get tired of those thoughts too. :D

@Ron, pero kung worth it balikan ang nakaraan, bakit hindi?
Yun ay kung WORTH IT. ;)

RoNRoNTuRoN said...

sakin its sooo not worth it. THE NERVE nya ha..... hahahaha. ang laki ng galit? haha.

Viewfinder said...

heya..i too subscribe to the break kung break..never did a re-run with any ex..coz (1) i cant believe i'm allowing the same person to hurt me again, and (2) breaking up is the universe's way of getting you to the right one ;)