Dalawang taon na yun.
Baka pwede na?
Masaya naman na siya... alam mo na rin naman na masaya siya, na ligtas siya. Siguro naman ngayon pwede na, na ikaw naman ang maging masaya.
Alam kong tinutukan mo sarili mo sa loob ng dalawang taon, dinayo ang iba't ibang isla, nilusong ang ang mga dagat, at inakyat mga bundok para lang makalikas mula sa mga alaala nya. Subalit alam naman natin, sa paglubog ng araw, sa iyong paghimlay, walang kasing lamig na kalungkutan ang bumabalot sa iyong puso. Hindi ka man lumuluha, pero sa kalooblooban mo, ang puso mo'y nagluluksa bawat gabi.
"At the end of the day..."
"...no letting go"
Lahat ng ito'y bale wala na ngayon.
Kaya tama na. Dalawang taon na. Pwede na ba?
4 comments:
if you feel that you are happy right now. then i think pwd na :)
Aww V. Im happy for you. You deserve all the happiness you have now :3
Wala naman two year rule di ba?
Pwede ka na rin maging masaya kung gugustuhin mo.
For the mean time, natikman mo na ba ang xiao long bao? Nakakahappy sya :)
@Ahmer, i can't really say i'm "Happy", more of "less lonely". Brief moments of happiness helps, but once it fades, i'd need another dose of happiness. parang drugs lang. hehe
(To clarify, I don't do drugs.)
@Mamon, thank you! how's the life over there? ;)
@Seth, wala ngang 2-year rule. actually walang time table on happiness.
And yes, masarap ang xiao long bao, lalo na kung sa Taiwan mismo :)
Post a Comment