10 September 2015

Kakto

P: "You seem to be blooming lately. So... who's the guy?"  
VS: "Blooming? Ako? Guy who?"  
P: "Sinong dinedate mo ngayon at blooming ka?"  
VS: "I'm not dating anyone, and hindi pa kaya."   
P: "Ah... pero in fairness blooming ka laetely."  
VS: "Blooming sa tag-tuyot? Hmmm... that's rare. Pero I think I know what you mean. Lately I do feel lighter, may kakaibang indayog sa mga hakbang ko; napapangiti ng mga pinakamaliliit na bagay... May natatanging kilig na matagal ko nang di nadarama."  
P: "Waw... pero walang nagpapakilig sa 'yo?"  
VS: "Wala nga e... I mean walang actively nagpapakilig or anything. Tagtuyot nga."  
P: "Blooming sa tagtuyot."  
VS: "Exactly. Parang isang cactus."  
P: "Amazing..." 
VS: *clears throat. In an old man's voice* "A flower that blooms in adversity is the most rare and beautiful of all."  
P: "Asus... Pero pag nasobrahan ng dilig, nalalanta." 
VS: *stares for a moment* 
... 
VS: "Cactus nga talaga." 

1 comment:

Simon said...

Bakit kaya nag bloom si Mr. Saudad? :)