But one should always go back to basics. Know your words, at least definitions. Better kung pati etymology and usage nacheck mo bago ka magbitaw ng salita. Well, di naman lahat English major or college graduate, so plus points na lang kung up to that extent and basics mo. Anyway...
Overrated sa akin ang twitter at status headline ng facebook. Lahat na lang gusto ibroadcast, maski ginagawa sa CR, or pinagpapantasyahan. Then lahat may venue na para makapagbigay opinion. Sige ayos lang sana. Pero kahit walang katuturan or hindi man lang pinag-iisipan, basta maisulat na kahit punahin babanat pa ng "I am entitled to my opinion." Porque sabi sa school dati, "Express your opinion - walang tama or mali sa opinion, kasi opinion mo yun e." See, mismong salitang opinion hindi madefine without using the word itself. May opinion ka nga, pero may ibig sabihin ung "there's no right or wrong" na misinterpreted na karamihan. "There's no right or wrong opinion" sa kadahilanang it is still subject for approval. Pwedeng hindi siya mali kung nasa lugar naman, pero hindi siya tama agad kung taliwas sa mga partikular na pamantayan.
Lahat gusto may maisulat. Pero bago magsulat, namnamin muna ang mga pahayag ng iba. Then kung magrereact, namnamin din ang sariling salita bago iluwa. Huwag tayong basta dura ng dura, makalat kasi. Be the human that you are... mag-isip muna.
---
P.S.
Just flexing some neurons. It's been awhile since I've written anything, uhm, lengthy.
I miss my old blogging self - like back in college.
I miss my old blogging self - like back in college.
2 comments:
Yes, matagal na nga yung last entry mo. Buti na lang malaman 'tong bago mong post. :3
Thanks Geosef
Post a Comment